LOOK: Ang Malditang Anak na Nanampal ng Ina, Nanganganib na Mawalan ng Trabaho


Dahil sa labis na inis ng mga netizens sa ginawa ng malditang anak sa kanyang sariling ina na ipinalabas sa pprograma ni Tullfo kamakailan, isang FB netizen ang nagsuplong sa pinagtatrabahuhan nito, na maaaring maging daan upang ang nasabing anak ay mawalan at matanggal sa pinagtatrabahuhan nitong Cruise Line.

Binatikos Si Kren Austria
Dahil sa palabas na Raffy Tulfo In Action, nabigyang daan ang reklamo ni Nanay Magdalena Austria na sana ay magkaayos na sila ng mga anak niyang babae na hindi siya kinikibo ng ilang taon bagamat nakatira ang mga ito sa kanyang poder. Naikwento din ng ina na sinampal siya ng bunsong anak na si Kren gamit ang isang tsinelas na nagpainit ng dugo ng lahat ng netizens.

Ang lalong nagpagalit sa netizens ay ang tagpo kung saan pinagaayos na ang mag-iina. Walang makikitang pagsisisi sa mukha ni Kren bagama’t nagpapakumbaba na ang ina sa kanya. Ito marahil ang dahilan kung bakit ganun na lamang ang galit ng mga netizens sa dalaga.

Isinumbong Sa Pinagtatrabahuhan
Dahil sa sobrang galit at inis ng OFW netizen na si Rhea Fatima Waguia Anton sa inasal ng malditang si Kren Austria, siya ay nagpost at inaddress ito sa pinagtatrabahuhan ng dalaga na kumpanya, ang Holland American Cruise. Ipinaalam nito na nagviral na sa Pilipinas ang kanilang empleyado dahil sa ginawa sa kanyang ina, at ipinaalala din na papayag ba ang kumpanyang masira ang kanilang pangalan dahil lang sa kanilang empleyado.

Marami ring netizen ang bumato ng batikos kay Kren Austria, ngunit tila ang post ni Rhea Anton ang pumukaw sa atensyon ng karamihan sapagkat marami ang nag react tungkol dito. Sa katunayan, may isang netizen ang nagpadala sa kanya ng mensahe na burahin na ang kanyang post spagkat maaaring mawalan ng trabaho si Kren dahil sa ginawa niya.

Sympathizer Ni Kren
Ayon sa kausap ni Rhea na hindi niya kinilala, sinabi nito na mali raw ang ginawa ni Rhea na manghimasok sa buhay ng ibang tao, at isuplong pa sa employer nito dahil maaari daw matanggal sa trabaho ang dalaga. Sinabi naman ni Rhea na hindi lamang siya ang may galit kay Kren at kung matanggal man ito sa trabaho, ito ay dahil sa karma niya sa pagsampal sa ina.

Ang buong Chat Con:













Inilabas niya lamang ang galit niya dahil isa rin siyang anak, at ni minsan ay hindi niya lubos maisip na magagawa ng anak sa ina ang ginawa ni Kren. Anuman ang mangyari kay Kren ay bunga na rin ng kanyang mga ginawa sa ina.



Ang buong post:
“Have A blessed day po ! Anyway About sa Post ko ky #KrenAustria na babaeng nanamapal ng tsenelas sa sriling ina nya my nag message skin because of my post maaring mwalan xa ng work dhil dw sa pninira ko ! First of All wla akong sinirang tao .. 2nd anak ako na nka ramdam ng pgkadurog dhil sa ginawa nya sa sriling ina nya kgaya din ng iba n nsaktan .. 3rd hnd lng nmn ako ang glit sknya kundi buong pilipinas million na tao sa buong mundo .. 4rth if mwalan man xa ng work it is not my Fault she deserve KARMA wat she deserve dhil sa ginawa nya sa sriling ina nya .. At kong nkialm man ako dhil nkikita ko pno nya itrato ung ina nya smantalang ako nilulugmok ko ung srili ko dto sa abroad pra maiahon lng nanay ko at maibigay gsto ng ina ko ! Pwd nyo po ereport ung post ko peru wla akong cnirang tao .. xa mismo sumira ng dignidad nya Salamat and God blessed stin lht .. “



Source: updatedtayo

KEEP READING:

About netiviral

Loading...